MAKARAAN ang halos isang dekadang pamamahinga sa larangan ng palakasan, nagbabalik ang Sta. Lucia Land, Inc. ngayong taon bilang pinakabagong koponan sa Philippine Superliga (PSL) Invitational Conference na magsisimula sa Marso 4 sa San Juan Arena.

Kumampanya sa Philippine Basketball Association (PBA)noong 1993 hanggang 2010, itataguyod ng Realtors ang koponan na binubuo ng mga dati at kasalukuyang stars ng National Collegiate Athletic Association (NCAA) na gagabayan ni St.Benilde coach Michael Carino.

Inaasahan ang Sta. Lucia ni PSL president Ramon “Tats” Suzara na ang koponang pag-aari ni SLR Chief Exequel Robles ay magiging kompetitibo at makakayang sumabay sa mga PSL mainstays na gaya ng Petron, Cignal, Foton, Generika at kapwa bagitong Cocolife.

“The team has already ben assembled and we’re expecting it to hit the ground running,” ani Suzara.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Binubuo ang koponan ni Cariño nina dating Lady Blazers Janine Navarro at Djanel Cheng kasama sina Ranya Musa, Rachel Austero, Melanie Torres, Lourdes Clemente, Nacael Gual, Cindy Imbo, Dana Henson, Jonna Sabete, Rica Enclona, Rialen Sante at Shaira Umandal.

“What we have is a young, but fighting, team,” sambit ni Carino.“We have been preparing for the past three weeks and we’re confident that we will make the company proud.” (Marivic Awitan)