SEOUL, South Korea (AP) – Ibinasura ng acting leader ng South Korea ang hiling na palawigin ang imbestigasyon sa pinakamalaking eskandalo sa bansa na nauwi sa impeachment ni President Park Geun-hye.

Inilunsad ang special investigation team noong Disyembre upang imbestigahan ang mga alegasyon na hinayaan ni Park ang isa niyang kaibigan na makialam sa mga gawain ng estado at mangikil sa mga negosyante.

Sa nakatakdang pagtatapos ng kanilang imbestigasyon ngayong araw, humirit ang lider ng grupo na si Park Young-soo kay acting leader at Prime Minister Hwang Kyo-ahn ng dagdag na 30 araw para sa mga pagsisiyasat.

Ngunit sinabi ni Hwang kahapon na ibinasura nito ang kahilingan dahil naihabla na ang mga pangunahing suspek sa eskandalo. Maaari rin aniyang maimpluwensiyahan ng mas mahabang imbestigasyon ang presidential election na idadaos kapag pinagtibay ng Constitutional Court ang impeachment ni President Park Geun-hye.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina