LICAB, Nueva Ecija – Ang lahat ng proyektong pinondohan ng anumang ahensiya ng pamahalaang panglalawigan ng Nueva Ecija ay dapat na ikuha ng kontratista ng kaukulang building permit mula sa munisipyo ng bayang pagtatayuan nito.

Ito ang ipinag-utos ng Department of Public Works and Highways (DPWH) kasunod ng reklamo ng mga alkalde sa Nueva Ecija na kadalasang hindi nakikipag-ugnayan sa kanila ang mga nagpapagawa ng tulay, lansangan, silid-aralan at iba pang istruktura.

Sa buwanang pagpupulong ng League of Municipalities-Nueva Ecija sa Licab nitong Sabado ay inihayag ni Peñaranda Mayor Ferdinand Abesamis, pangulo ng liga, na kadalasa'y wala silang kaalam-alam sa mga proyekto, na kapag pumalpak ay ang mayor ang sinisisi. (Light A. Nolasco)

Probinsya

15-anyos na dalagita, patay matapos umanong gahasain ng 13 lalaki