GENEVA (AP) — Nanganganib na madiskaril ang peace talks sa Geneva matapos ang madugong pag-atake ng mga terorista sa central Syria noong Sabado.

Inako ng Levant Liberation Committee, kaalyado ng al-Qaida, ang kambal na pag-atake sa mga security office ng gobyerno sa Homs, na ikinamatay ng 32 katao kabilang ang isang mataas na opisyal ng kinatatakutang Military Intelligence Services.

Nag-demand si Syrian U.N. ambassador Bashar al-Ja’afari na kondenahin ng oposisyon ang pag-atake. Sumagot naman ang oposisyon na matagal na nilang kinokondena ang terorismo – at nagpahiwatig pa na posibleng inside job ang nangyari.

Internasyonal

Eroplano sa Brazil, tinamaan ng ibon; nabutas!

Sinabi ni U.N. envoy Staffan de Mistura na “spoilers were always expected” para impluwensiyahan ang peace talks at hinimok ang mga partido “not to allow these attempts to succeed.’’