SAN JOSE, Batangas - Matapos pagnakawan, tinangka pang saksakin ng isang bakery helper ang kanyang dating amo nang looban niya ang bahay nito sa San Jose, Batangas.

Ayon sa report ni PO2 Abner Umali, dakong 5:30 ng umaga nitong Pebrero 24, nang nagising si Nelia Agno, 59, at naaktuhan sa kusina si Jerome Reyes, 18, ng Bustos, Bulacan.

Tinutukan umano ng patalim ng suspek si Agno at kinuha ang suot nitong hikaw bago tinangka pang saksakin, ngunit nagsisigaw ang ginang.

Pinaghahanap pa ang suspek na tumangay din sa benta ng bakery at kakasuhan ng robbery at attempted homicide.

Probinsya

15-anyos na dalagita, patay matapos umanong gahasain ng 13 lalaki

(Lyka Manalo)