Kris copy copy

MAS maingay at pinag-uusapan ngayon ng lahat, maging ng mga taga-showbiz ang mga nagaganap sa pulitika. Kumbaga, mas maintriga na kaya interesado ngayon ang karamihan sa galaw ng pulitika kaysa showbiz. 

Nasa sentro ng usapan simula nitong nakaraang linggo ang pag-aresto sa iginagalang na senadora ng bansa na si Sen. Leila de Lima na nakakulong na ngayon ilang metro lamang ang layo sa mga naging senador din na sina Bong Revilla at Jinggoy Estrada.

Ayon sa nakausap naming reliable soure, mas malaki raw ang pag-asa na mapakawalan ang huli kaysa una, huh!

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Diretsahan namang binanggit ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre na kaibigan ni Kris Aquino si Cong. Len Alonte na diumano’y isa sa dalawang nagtangkang magsuhol sa high-profile inmates ng New Bilibid Prisons. 

Kumbaga, biglang nadamay ang walang kamalay-malay na si Kris Aquino sa pasabog ni Sec. Aguirre na marami ang nagtataka kung saan galing o sino ang source. 

Totoong malapit ang bunsong kapatid ni dating Pangulong Noynoy Aquino kay Cong. Len Alonte. Agad naman itong inamin ni Kris kasabay ang pagtanggi sa pahayag ni Sec. Aguirre. Nag-post ang Queen of All Media sa Instagram ng kanyang suporta sa congresswoman ng Laguna at pinabulaanan ang bintang.  

Ipinost ni Kris ang quotation kay Oprah Winfrey na, “Lots of people want to ride with you in the limo, but what you want is someone who will take the bus with you when the limo breaks down.”

Ang caption ni Kris sa naturang post, “This is better post to show the depth of my love, friendship, faith, and loyalty in @lenalonte. She is hardworking, dedicated, kindhearted, and above everything else, 100% committed to public service.

“We have been close friends for more than 7 years — walang benefit at all to her to remain my friend, and yet she has chosen to stay close to me and make me feel like I am her true ATE. MABAIT, MARANGAL, MAPAGKAKATIWALAAN…

“I respectfully disagree with the unfounded accusations made by Secretary Aguirre. #Truth.”

Anyway, marami pang isyung pulitika ang nagiging sentro ng usap-usapan ngayon sa halos lahat ng umpukan.

(JIMI ESCALA)