Mahigit kalahati ng mga Pilipino na may hypertension ay hindi alam na mataas ang kanilang blood pressure (BP) at maituturing na “walking time bombs”, inihayag ng Philippine Society of Hypertension (PSH).
Sinabi ng PSH na ang mataas na BP ang isa sa mga pangunahing dahilan ng pagkamatay sa buong mundo, gayunman marami ang hindi pa rin nauunawaan ang kondisyong ito.
“With one out of four adult Filipinos having high BP, roughly half of them do not know that they are hypertensive,” saad sa pahayag ng PSH.
“High-risk individuals are figuratively ‘walking time bombs’. They could explode to develop complications life a massive stroke, acute myocardial infarction, and even sudden cardiac death,” dagdag dito.
LIFESTYLE DISEASE
Ang mataas na BP ay isang kondisyong medikal na malakas kaysa normal ang puwersa ng pagdaloy ng dugo sa ugat. Ang blood pressure na nasa 140 over 90 mmHg ay maituturing nang mataas.
Ang hypertension ay isang “lifestyle disease” o sakit na dulot ng kawalan ng pisikal na aktibidad, pagkain ng maalat, masebo at processed foods, at paninigarilyo o pananabako.
BP SCREENING
Dahil sa maraming tao ang hindi alam na sila ay mayroong hypertension at hindi rin batid ang mga sintomas nito, target ng PSH na masuri ang isang milyong Pilipino na nasa edad 18 anyos pataas ngayong Mayo.
Ayon kay PSH President Lynn Gomez, ang BP screening activity ay bahagi ng pandaigdigang May Measurement Month 2017 (MMM17) activity na inorganisa ng International Society of Hypertension (ISH).
Sa isang buwang aktibidad, hahanapin ng PSH ang mga indibiduwal na hindi pa nagpasuri ng kanilang BP simula Abril 30, 2016. (Charina Clarisse L. Echaluce)