Emma-Stone-Acceptance-Speech-2017-Oscars copy copy

SI Emma Stone ang tinanghal na Best Actress sa Oscar awarding rites na ginanap kahapon sa Dolby Theater sa Hollywood. Ito ang kanyang unang Academy Award, para sa modern musical ni Damien Chazelle na La La Land.

Nakatunggali niya sina Meryl Streep ng Florence Foster Jenkins, Isabelle Huppert ng Elle, at dating nanalo ng award na si Natalie Portman ng Jackie, at si Ruth Negga sa unang nominasyon nito para sa Loving.

Si Leonardo DiCaprio ang nagprisinta ng award sa aktres.

BALITAnaw

ALAMIN: Mga dapat mong malaman tungkol kay Jose Rizal

Nagpasalamat si Emma sa kanyang mga kaibigan, sinabing, “You were all so extraordinary and I look up to you and I admire you.”

Pinasalamatan din niya ang kanyang leading man sa tatlong pelikula na si Ryan Gosling, na nominado naman ng Best Actor para rin sa La La Land.

“Thank you for making me laugh,” saad ni Emma kay Gosling. “For always making me laugh and for being my crazy partner in this crazy adventure.”

“I still have a lot of growing and learning and work to do,” ani Emma sa pagtatapos ng kanyang talumpati. “And this guy is a really beautiful symbol to continue on that journey and I’m so grateful for that. So thank you so much.”

Unang naging nominado si Stone sa best supporting actress sa Academy Award noong 2015 para sa kanyang pagganap sa Birdman ni Alejandro G. Iñárritu, na nanalo ng Best Picture nang taong iyon. Nagbida si Stone sa tatlong pelikulang lumaban para sa Best Picture, ang La La Land, Birdman, at The Help.

Ang La La Land, na tungkol sa aspiring actress na nagkagusto sa isang struggling jazz musician sa Los Angeles, ay nagtala ng 14 na nominasyon noong Enero, at napahanay sa Titanic at All About Eve bilang most-recognized productions sa kasaysayan ng Academy of Motion Picture Arts & Science.

“The idea of this really modern story of two struggling artists and dreamers became something really exciting very quickly,” saad ni Stone. “Living in a musical world where when you’re filled with joy you can spin down the street or burst into song, I loved that.” (People.com)