MARSEILLE, France (AP) — Naungusan ni Jo-Wilfried Tsonga si defending champion Nick Kyrgios, 7-6 (5), 2-6, 6-4, nitong Sabado (Linggo sa Manila) para maisaayos ang all-French final sa Open 13 dito.

Matikas ang duwelo ng dalawa, ngunit nagpakatatag si Tsonga para maisalba ang 16 ace ng karibal na Australian para magwagi sa loob ng mahigit dalawang oras na laro.

Asam ni Tsonga, nagwagi sa kanyang ika-13 career title sa Rotterdam sa nakalipas na linggo, na maidagdag sa kanyang koleksyon ang Marseille trophy.

“I have the feeling that I’m heading toward the right direction at the moment,” pahayag ni Tsonga. “Hopefully I will be able to carry on to the end, that’s the most difficult thing to achieve.”

Pamilya, naglabas ng opisyal na pahayag sa pagpanaw ni Chino Trinidad

Makakaharap ni Tsonga sa finals ang kababayang si Lucas Pouille, nagwagi kontra Richard Gasquet 7-5, 6-3.