Magtatayo ng 2,000 cell site ang Smart Communications sa loob ng dalawang taon upang higit na maging maayos ang serbisyo nito sa publiko.
Ayon kay Senator JV Ejercito, ito ang ipinangako ng kumpanya sa pagdinig ng Public Service Committee ng Senado, at ngayong taon lamang ay 700 cell site na ang ginagawa.
“Now in the Philippines, the ratio is one cell site per 2,244 users. If Smart acts on building additional 2,000 cell sites, this will surely bring down the user-per-density ratio and improve services,” ani Ejercito.
Naunang hiniling ni Senate President Aquilino “Koko” Pimentel III sa National Telecommunications Commission (NTC) na gumawa ng Mobile Number Portability (MNP) upang maging maayos ang kumpetisyon. Sa ilalim nito, mananatili sa mobile phone subscribers ang kanilang numero kahit nagpalit sila ng unit. (Leonel M. Abasola)