Itataya ni WBO Oriental super bantamweight champion Jack Tepora ang kanyang malinis na rekord at world ranking sa pagdedepensa kay dating International Boxing Association featherweight titlist Yon Armed ng Indonesia sa Marso 17 sa Waterfront Hotel sa Cebu City.

May kartadang perpektong 19 panalo, 14 sa pamamagitan ng knockouts, mawawala sa world ranking ng WBO si Tepora kung matatalo ni Armed na minsan nang lumaban sa Pilipinas at natalo kay one-time world title challenger Hiroshige Osawa ng Japan.

Kasalukuyang ranked No. 12 si Tepora kay WBO super bantamweight champion Jessie Magdaleno ng United States at ito ang unang pagtatanggol niya ng titulo na natamo nang talunin via 5th round TKO si Indonesian Galih Susanto noong nakaraang Disyembre 2 sa Cebu City.

May rekord si Armed na 14-7-0 na may 6 pagwawagi sa knockouts at umaasang palalasapin ng unang pagkatalo si Tepora para makapasok sa world rankings.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Sa undercard ng laban, haharapin ng wala ring talo si Christian Araneta si Demsi Manufoe ng Indonesia para sa bakanteng WBO Oriental light flyweight title. (Gilbert Espeña)