BIRMINGHAM, Alabama (AP) — Kahit may pinsala ang kamay, tunay na giba ang tamaan ng bigwas ni Deontay Wilder.

Napatunayan ni Gerald Washington ang lakas ng kamao ni Wilder nang tamaan siya at hindi na nakatayo sa ikalimang round ng kanilang 12-round fight at mapanatili ng American ang WBC heavyweight title nitong Sabado (Linggo sa Manila).

Tinantiya muna ni Wilder (38-0, 37 knockout) ang lakas ng katawan ng karibal bago pinakawalan ang kombinasyon na nagpatumba kay Washington (18-1-1) sa Legacy Arena.

“I knew he was going to come in excited to fight for a world title,” pahayag ni Wilder. “I just kept calm and found my rhythm. I knew he was going to tire out, and when he did I took advantage.”

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Itinigil ni referee Mike Griffin ang laban may 1:45 ang nalalabi sa ikalimang round nang hindi na gumaganti sa suntok si Washington na nagpsaklolo na lamang sa lubid para hindi na muling matumba.

Ito ang ikalimang pagdepensa sa titulo ng pambato ng Tuscaloosa, Alabama.

Nabalian ng buto sa kanang kamay at napunitan ng kanang biceps ang 31-anyos na si Wilder matapos ang TKO win kay Chris Arreola, pumalit sa nadiskwalipika na si Alexander Povetkin dahil sa droga, sa nakalipas na taon.