CONCEPCION, Tarlac – Sinawimpalad na mamatay ang dalawang katao makaraang masuyod ng Hino cargo truck ang sinasakyan nilang Hyundai Van habang bumababa sila sa SCTEX sa Barangay Jefmin, Concepcion, Tarlac.

Sa report ni PO2 Jose Dayrit Baluyut III, nasawi sina Rizalino Cendaña, 56, driver ng van (WGR-191); at pasahero niyang si Allan Daroy, 22, ng Dagupan, Pangasinan.

Ang truck, na walang nakakabit na plaka ngunit nakarehistro sa leasing company ng isang bangko, ay minamaneho ni Noel Almonte, 34, binata, ng Bgy. Kakarong Matanda, Pandi, Bulacan. (Leandro Alborote)

Probinsya

5 buwang sanggol, natabunan sa landslide sa Davao City