psi copy

TAGUM CITY, Davao del Norte – Tagumpay ang isinagawang PSI Smart Identification (ID) Train the Trainers Program Mindanao leg batay sa pagsusuri ni Philippine Sports Institute (PSI) Sports Mapping Action Research for Talent Technical Experts and Manpower (Smart Team) leader Josephine “Joy” Reyes kamakailan sa Rodolfo del Rosario Gym, Davao del Norte Sports and Tourism Complex dito.

Personal na pinangunahan ni Reyes ang pagsasagawa ng pagsasanay sa 50 volunteer student ng Tagum Comprehensive National High School.

“Looks like they are really applying yung mga pinag-aralan nila kahapon (Sunday). What I like about them is they have a system na pina follow. Systematic pag-conduct nila ng tests. They are doing a good job,” pahayag ni Reyes.

Human-Interest

Mag-asawang hindi nakapagtapos ng pag-aaral, pinagtapos naman ang 9 na anak!

Ayon kay Reyes, ang 18 trainer mula sa Regions 9, 10, 11, 12, Autonomous Region in Muslim Mindanao (Armm) at Caraga ang nagpamalas ng determinasyon na matutunan ang tamang pamamaraan sa pagtugon sa pangangailangan ng mga atleta.

Bunsod nito, inaasahan niyang mas mapapalawak ang kaalaman ng programa sa kanilang pagsasagawa ng sariling pagtuturo sa kani-kanilang lugar at eskwelahan.

Aniya, ang mga nakalap na impormasyon at data sa Smart ID testing ay magagamit para matukoy ang tamang sports para sa isang atleta, gayundin magagamit nila ito para sa pagpapayabong ng kaalaman sa sports management.

Mula sa Mindanao, magsasagawa ng pagtuturo ang PSI’s Smart ID Train the Trainers Program sa Visayas sa Marso 13-15, sa South Luzon (April 9-11) at North Luzon (Mayo 7-9).

Bukod kina PSI national training director Marc Edward Velasco at deputy national training director and grassroots development chief Henry Daut, personal na binisita ni Philippine Sports Commission (PSC) Chairman William “Butch” Ramirez ang pagsasagawa ng SMART ID testing.