Untitled-1 copy

Laro Ngayon

(Quezon Convention Center, Lucena City)

6:30 n.g. -- Ginebra vs SMB

‘Pasko para sa lahat’ PDLs, may Christmas wishlist ngayong Pasko!

HINDI nakaporma ang barangay sa hidwaan sa Manila. Sa piling ng mga kasangga sa probinsiya, pumapor kaya ang tadhana sa Kings?

Asahang mas matikas. Mas determinadong Kings ang sasalang laban sa San Miguel Beermen sa paglarga ng Game Two ng kanilang best-of-seven title series para sa OPPO-PBA Philippine Cup ngayon sa Quezon Convention Center sa Lucena City.

Nadomina ng Beermen ang Kings sa pagsisimula ng serye nitong Biyernes, 109-82, sa kabila nang pagdagsa ng barangay para suportahan ang Kings.

Nakatakda ang laro ganap na 6:30 ng gabi.

Para kay Kings coach Tim Cone, sa kabiguan hindi mahalaga kung ilang puntos ang nilamang ng karibal.

“There’s no pogi points in winning 40 points or 30 points in a series. It’s only about the W’s and the L’s,” pahayag ni Cone.

“It doesn’t matter if you lose by 30 points or 1 point. It’s all the same. We just got to put this away and move forward and go on. We’re not going to sit back and regret this one. It’s done. We got to be ready for the next one,” aniya.

Sisiguraduhin naman ni Beermen coach Leo Austria na maibaon ang Kings at guwag hayaang makabalik sa laban.

(Marivic Awitan)