NITONG mga nakaraang linggo, sunud-sunod ang paglutang ng oarfish sa Leyte, Cagayan de Oro at Romblon. May natagpuan ding oarfish ilang araw bago lumindol sa Surigao. Totoo kaya na paraan daw ito ng kalikasan para magbabala na may paparating na malaking trahedya? Susubukang alamin ng Kapuso Mo, Jessica Soho (KMJS) ang sagot sa katanungang ito ngayong gabi.

Muli ring pakikinggan ng KMJS ang awit ng buhay ni Eva Castillo. Nakilala si Eva na tumalo kay Regine Velasquez sa isang amateur singing contest noong kabataan nila. Pansamantala siyang nakapasok sa showbiz nang ipahanap ni Regine.

Pero nitong nakaraang linggo, napabalita na si Eva ay may chronic kidney disease at nanghihingi ng tulong.

Tsika at Intriga

Olats sa politika: Luis, nagtanong alin sa shows niya trip ibalik ng netizens

Kaabang-abang din ang kuwento ng artist na si Erwin na taga-Pampanga. Mayroong Osteogenesis imperfecta si Erwin, sakit na madaling mabali ang mga buto. Ganoon pa man, buong tapang pa rin niyang susubukang magpunta sa kabundukan ng Buscalan upang maibigay ang regalo niya sa ika-100 kaarawan ni Apo Whang Od na tinaguriang huling mambabatok ng Kalinga.

Tampok din sa programa ang Chicharon Festival ng Sta. Maria, Bulacan; ang binata mula sa Davao na sinasabing kamukha ng Pambansang Bayani na si Dr. Jose Rizal; at ang pinaniniwalaang mapaghimalang kama raw ng yumaong si Archbishop Teofilo Camomot sa Cebu.