IMUS CITY, Cavite – Kinumpirma ni Cavite Gov. Jesus Crispin Remulla ang pagpanaw nitong Huwebes ng gabi ng isa pang nasugatan sa sunog sa pabrika ng House Technology Industries (HTI) sa Cavite Export Processing Zone Authority (EPZA) sa Barangay Bacao II, General Trias City nitong Pebrero 1.
Namatay sa impeksiyon ng mga natamong sunog sa katawan, si Antonia Caviteño ang ikalimang nasawi sa nasabing sunog.
Una nang kinumpirma ni Remulla ang pagkasawi sa sunog ng iba pang mga empleyado ng pabrika na sina Jojo Arcinue, Alex Lerog, Jerome de Guia Sismaet, at Richard Bombita Sargento. (Anthony Giron)