Sinabi ng live-in partner ng minero na iniulat na nagpakamatay nang magsara ang pinagtatrabahuan nitong minahan, na matagal nang problemado ang kanyang asawa bago pa man ito magpatiwakal.

Itinanggi ni Lynne Modelo, 36, sa harap ng media noong Biyernes ang ulat ng Reuters na nagpakamatay si Winston Ordonez dahil nawalan ito ng trabaho matapos ipasara ni Environment Secretary Gina Lopez ang Eramen Mineral, Inc. sa Sta. Cruz, Zambales.

“Ito po ay hindi totoo, siya po ay depressed na tao. Wala pong katotohanan na siya po ay nagpakamatay nang dahil sa kanyang trabaho sa minahan,” ani Modelo sa press briefing sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) Central Office sa Quezon City. Idinagdag niya na “dinibdib niya po ang paghihiwalay namin” noong 2015.

Tsika at Intriga

Anne Curtis, naalarma sa kumakalat na larawan ng Sierra Madre