ROSALES, Pangasinan - Isang barangay chairman ang dinakip matapos halughugin ang bahay nito at makakumpiska ng umano’y ilegal na droga, rifle grenade at mga bala sa Barangay Zone 1 sa Rosales, Pangasinan.

Sa nakalap na report kahapon mula sa Pangasinan Police Provincial Office, kinilala ang suspek na si Proceso Ordinario, 59, may asawa, chairman ng Bgy. Zone 1, Rosales.

Dakong 7:52 ng umaga nitong Biyernes nang salakayin ng pinagsanib na puwersa ng Rosales Police at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-Pangasinan ang bahay ni Ordinario.

Nakasamsam ang mga awtoridad ng isang sling bag na may isang rifle grenade, dalawang bala ng M16 rifle, 36 na bala ng .22 caliber, at isang plastic sachet na may hinihinalang shabu. (Liezle Basa Iñigo)

Probinsya

5 buwang sanggol, natabunan sa landslide sa Davao City