PASUQUIN, Ilocos Norte – Patay ang isang barangay kagawad makaraang pagbabarilin ng hindi nakilalang suspek habang kumakanta sa gitna ng inuman sa loob ng isang restaurant sa Barangay Davila sa Pasuquin, Ilocos Norte.
Kinilala ng Pasuquin Police ang biktimang si Vincent Manzano, 39, may asawa, magsasaka, at kagawad ng Bgy. 6 Dilavo, na pinagbabaril ng suspek na balingkinitan, nakasuot ng berdeng long sleeves, pantalong maong, itim na mascara at gray na sombrero.
Kumakanta si Manzano habang nakikipag-inuman sa loob ng Condors Nest Resto Bar, kasama si Ronald Edurise, 33, ng Bgy. 8 Sulongan, bandang 11:57 ng gabi nitong Biyernes, nang lapitan siya at tatlong beses na malapitang binaril ng suspek. (Liezle Basa Iñigo)