KAPANALIG, ang teknolohiya, partikular na ang IT at komunikasyon, ay isa sa pinakamabisang drivers of growth o tumutulak tungo sa kaunlaran sa buong mundo.

At ang pinaka-potent o pinakamakapangyarihang sangkap ng teknolohiya ay hindi makinarya o software, kundi ang mga taong gumagawa at gumagamit nito. At sa lahat ng gumagawa at gumagamit nito, ang kabataan ang nangunguna.

Ang mga apps na ginagamit mo ngayon ay karaniwang gawa ng mga kabataan. Ang Facebook ay ginawa ni Mark Zuckerberg noong siya ay nasa kolehiyo pa lamang. Malinaw na ang kabataan ay talagang matinding partner pagdating sa kaunlaran.

Sa katotohanan, ang mga kabataan ngayon ay tinatawag na digital natives – pinanganak silang may hawak na cell phone, ika nga. Hindi pa sila nakakalabas sa sinapupunan ng kani-kanilang ina, may mga selfie na sila. Sa ngayon, tinatayang aabot sa 54% ng ating populasyon ang kabataang may nasa edad 25 pababa. Habang maraming bansa sa buong mundo ay nakararanas ng aging population, tayo, bumabata!

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Hindi biro ang dalang biyaya ng batang populasyon lalo na kung ang mga guardians nila o adults sa paligid nila ay palalakihin sila nang maayos. Ang mga kabataan na ito, na pilit nating pinaliliit ang dami noon, ang magdadala ng bayan sa kalaunan.

Kaya ayusin natin ang edukasyon. Ang Kto12, mahirap man, ay isang hakbang tungo sa pagpapabuti ng buhay ng mga kabataang Pilipino. Sa halip na tumatambay sila pagkatapos ng 4th year, mag-aaral sila ng dalawang taon, libre kung sa pampublikong paaralan at makakapamili at makakapaghanda para sa kanilang propesyon. Alalahanin natin, mas maraming drop-out rates sa kolehiyo.

Kailangan nating gawing mas accessible ang edukasyon para sa kabataan. Sa maraming mga geographically isolated at disadvantaged areas sa Pilipinas, gaya ng Simpokan at Bagong Bayan sa Palawan, kailangang maglakad ng ilang kilometro ang mga bata para lamang pumasok sa paaralan. Dapat magawan ng paraan ang mga ganitong sitwasyon.

Kailangan din natin gawin accessible ang health care sa kabataan. Kung maaari sana, damihan ang mga teen health kiosks sa mga paaralan. Tumataas na ang teenage pregnancy. Kailangan ng malikhaing solusyon, hindi kontrasepsyon.

Si Pope Francis ay naniniwala sa kabataan. Maengganyo nawa tayo sa kanyang hamong binitiwan sa kanyang homiliya noong 2013 sa Basilica of the Shrine of Our Lady of the Conception, Aparecida: “Let us encourage the generosity which is typical of the young and help them to work actively in building a better world. Young people are a powerful engine for the Church and for society.” (Fr. Anton Pascual)