Nilinaw ni Pangulong Rodrigo Duterte sa People’s Republic of China ang paninindigan ng Department of Foreign Affairs (DFA), matapos sumabay ang mga komento ni DFA Secretary Perfecto sa pag-urong ni Chinese Commerce Minister Gao Hucheng sa nakatakda nitong pagbisita sa bansa.

Sinabi ng Pangulong Duterte na tutuparin niya ang kanyang mga binitawang salita kaugnay sa iringan, dahil siya ang kausap ng mga opisyal ng China sa pagbisita niya sa Beijing noong nakaraang taon, na tatalakayin ng dalawang bansa ang mga isyu “as friends.”

“Time and again, when I went to China, I said we are not prepared to raise the issue of the arbitral award sa atin for the simple reason that we are yet to finalize the good relations between China and the Philippines, na hindi tayo pwedeng mag- usap na magkagalit,” sabi ng Pangulo.

Sinabi ng Pangulo na maaaring mali lamang ang pagkaintindi sa mga sinabi ni Secretary Yasay o maaaring naging “over the top” lamang mga pahayag ng kalihim sa iringan, na posibleng nagbunsod ng kanselasyon.

National

Ofel, mas humina pa habang nasa vicinity ng Gonzaga, Cagayan

“I don’t know for what reason but I said if the reason is because of the misunderstanding, I will not deviate from my word of honor. Importante ‘yan sa akin eh, na sa panahon ko, there will be a time that I will raise the issue of the arbitral judgment with China, but not now,” ani Duterte

Ginawa ng Pangulo ang paglilinaw sa harap ng Filipino-Chinese businessmen, na nag-donate ng pasilidad sa Davao del Norte para sa krusada kontra ilegal na droga ni Duterte. (YAS D. OCAMPO)