TAMPOK ngayong Linggo ang pelikulang Barbie: Spy Squad sa Kapuso Movie Festival. Magiging undercover agents si Barbie at ang kanyang barkada. Mahuhusay na gymnasts ang tatlo kaya mapapansin sila ng isang top-secret spy agency at kukunin bilang undercover agents para hulihin ang isang gem-stealing, cat burglar. Gamit ang mga pabulosang disguise at hi-tech na mga kagamitan, mapagtagumpayan kaya nila ang misyon? Sundan ang kanilang adventures ngayong Linggo pagkatapos ng I-Bilib.
Samantala, mapapanood ang pelikulang G.I. Joe: Rise of Cobra sa GMA Blockbusters na pinagbibidahan ni Channing Tatum bilang Captain Duke, ang pinunong sundalong naatasan na dalhin ang ilang special warheads na gawa ng kumpanyang MARS.
Nang makaharap ang ilang magnanakaw ay makikilala niya ang international special forces unit na G.I. Joe at tutulungan sila sa kanilang misyon. Mabawi kaya nila ang mga special warheads na gagamitin ng Cobra para sakupin ang mundo?
Huwag palampasin ang bakbakan sa GMA Blockbusters ngayong Linggo pagkatapos ng Dear Uge sa GMA.