Isa sa umano’y miyembro ng “Commando” gang ang natagpuang patay sa ilalim ng isang tulay sa Ermita, Maynila, kahapon ng madaling araw.

May tama ng bala sa dibdib, namuong dugo sa mata at ibinalot sa tela ang ulo ng biktimang inilarawang nasa edad 35-40, katamtaman ang pangangatawan, 5’6” ang taas, tadtad ng tattoo sa katawan gaya ng Commando, ‘Fabella’, Tribal, at Gestapo.

Sa ulat ni PO3 Ryan Jay Balagtas ng Manila Police District (MPD)-Crimes Against Persons Investigation Section (CAPIS), dakong 5:30 ng madaling araw nadiskubre ang bangkay sa ilalim McArthur Bridge sa Muelle del Rio, sa Lawton, Ermita.

Naglilinis umano sa nasabing lugar si Johnny Guntia, street sweeper, nang madiskubre niya ang bangkay at agad niya itong ini-report sa Lawton Police Community Precinct (PCP).

Akbayan, kinatigan kilos-protesta kontra mina sa Dupax Del Norte

Blangko pa ang mga awtoridad kung sino ang nasa likod ng krimen dahil sa kawalan ng testigo.

Patuloy ang imbestigasyon sa insidente. (Mary Ann Santiago)