MICHELLE Arceo ang pangalan ng girlfriend ni Albie Casiῆo. Sexy, maganda, at artistahin si Michelle, kaya naman ipinagmamalaki siya ng isa sa mga bida ng Regal Films movie naPwera Usog. 

Ang daming picture sa social median account ni Albie ng kanyang GF at hindi maitatagong in a relationship sila dahil may photo na sila’y nagki-kiss.

Hindi rin itinatago ni Albie na may GF siya ‘pag tinatanong. Hindi lang nagbibigay ng information, gaya ng ang pangalan at kung ano ang trabaho. Mas naging open si Albie na amining he’s into a relationship pagkatapos mapatunayang hindi siya ang ama ng anak ni Andi Eigenmann.

Samantala, nagpapasalamat si Albie sa Regal Films dahil sa sunud-sunod na pelikulang ibinibigay sa kanya. Ang pinakahuli ay ito ngang Pwera Usog na showing sa March 8 sa direction ni Jason Paul Laxamana. Matutuwa ang fans ng aktor dahil sa topless scenes niya at pagpapakita ng abs. Bad boy ang role niya sa pelikula. (Nitz Miralles)

‘Loveetttee!' Vice Ganda, pinuri panunupalpal ni Anne Curtis sa basher