TRIPOLI (AFP) – Nagbabakbakan ang mga grupong armado ng matatas na kalibre ng armas sa sento ng Tripoli, na ikinasugat nang siyam katao at ikinaralisa ng kabisera ng Libya, sinabi ng mga residente at ng Red Crescent nitong Biyernes.

“Our team… rescued nine people injured in the indiscriminate firing,” sabi ng Libyan Red Crescent, na nagtayo ng field hospital malapit sa lugar ng bakbakan.

Wala pang opisyal na kumpirmasyon sa bilang ng mga namatay mula sa mga sagupaan na nagsimula noong Huwebes ng gabi.

Sumiklab ang labanan sa magkaribal na grupo sa silangan ng Tripoli nang mag-akusa ang isang grupo na dinukot ng kalaban ang apat nilang miyembro, iniulat ng Tripoli-based news agency LANA.

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'

Umaapela ang mga pamilya sa conflict zone ng Abu Slim sa mga awtoridad na makialam upang mahinto ang karahasan na dahilan para magsara ang sentro ng lungsod.