Kumilos ang Department of Labor and Employment (DoLE) upang matugunan ang maraming manggagawa na naapektuhan sa pagpapasara at suspensiyon ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa 23 minahan sa bansa.

Nakipagpulong si Labor Secretary Silvestre H. Bello III sa mga opisyal ng rehiyon upang matutulungan ang libu-libong trabahador. “DoLE will provide assistance to those who will be displaced,” aniya.

Sa rehiyon ng CARAGA, kung saan 14 na minahan ang apektado, nagpadala ang ahensiya ng technical staff upang magsagawa ng mga pagsusuri at magsumite ng transition/action plan at panukala sa mga probinsyal na tanggapan ng DoLE.

(Mina Navarro)

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'