NAGSIMULA nang mag-shooting si Sarah Geronimo ng Dear Future Husband, reunion movie nila ni John Lloyd Cruz sa Star Cinema at Viva Films.
May mga netizen na nag-post ng picture ni Sarah sa first day shooting last Thursday na ginawa sa Bonifacio Global City.
Naka-wedding gown si Sarah sa picture na nakita namin sa Internet, siya lang mag-isa, wala si John Lloyd. Ibig sabihin siya pa lang ang kinunan ni Direk Theodore Boborol.
Marami na ang nag-aabang sa balik-tambalan na ito nina Sarah at Lloydie na tatlong beses nang tumabo ng limpak-limpak sa takilya. (Nitz Miralles)