MAGANDA ang resulta ng public appeal nina Paulo Avelino at Maja Salvador sa theater owners at sa publiko na suportahan at panoorin ang pelikula nilang I’m Drunk I Love You. Pati na kay Film Developmend Council of the Philippines (FDCP) Chairperson Liza Diño-Seguerra ay nanawagan si Paulo na tulungang mabigyan ng mas maraming sinehan ang pelikula.
Mula kasi sa original 60 theaters sa opening ng movie, naging 10 theaters na lang ang okupado ng I’m Drunk I Love sa second week.
Ang cute nga ng panawagan ni Maja dahil ginamit ang dialogue ni Liza Soberano sa Star Cinema movie na My Ex and Whys na, “Pangit ba ako? Kapalit-palit ba ako?” Pinalitan lang ni Maja ang ibang linya at ginawang “Pangit ba pelikula namin? Kapalit-palit ba kami ng foreign films? Hindi naman, di ba? Then whyyyyy?!?!?!”
Si Paulo naman, care of kay Chair Liza ang post na, “Mas malala na pala ‘yung nangyari sa mga pelikula at mga tao sa likod nito na nagbigay parangal sa bansa natin. Anong nangyari?@lizadino?”
Sumagot si Liza ng, “@mepauloavelino we are working relentlessly to find solutions. Mahirap ‘pag walang batas.
Gayunpaman, ginagawan namin ng paraan.”
At nagawan nga ng paraaan ng FDCP ang apelang suporta nina Paulo at Maja, dahil ito ang bagong post ni Liza:
“I’m Drunk, I Love You and the CINEMAS: From 10 cinemas yesterday, I’m Drunk, I Love You is now on 27 cinemas today and tomorrow (Friday and today, Saturday), 14 more cinemas will be screening the movie. As we speak, screens are increasing depending on gross box office receipts of the say.
Just got an update. Total of 66 screens by tomorrow!
Opening day ng bagong anim na pelikula kahapon, so talagang kailangan silang ipalabas. Natural na may mawawalan ng sinehan but at the end of the day, numbers speak, so balik ang IDILY sa sinehan.
Film Development Council of the Philippines was tagged yesterday regarding the pulling out of IDILY in cinemas.
Honestly, our agency does not have authority over theatres or producers. FDCP does not have regulatory powers to impose policies but we are RELENTLESSLY WORKING with cinemas and distributors to find solutions.
Siguro maganda kung ‘wag tayong masyadong nega agad. Maybe it’s also better to see the exhibitors as partners first instead of always vilifying them on social media. Tayo-tayo lang din naman ang nagkakatrabaho. Lahat naman nadadaan sa maayos na usapan.”
Ang kailangang gawin ngayon nina Paulo at Maja ay hikayatin ang kanilang fans at supporters na panoorin ang pelikula para hindi mabawasan ang 27 theaters at madagdagan pa. (NITZ MIRALLES)