INIHAYAG ni WBO welterweight titleholder Manny Pacquiao na sinisimulan na ang negosasyon para sa posibleng laban kontra British star Amir Khan na nagkakahalaga ng $38 milyon sa United Arab Emirates.

Naunang ipinahayag ng promoter ni Pacquiao na si Top Rank chairman Bob Arum na nakipagkasundo na ito sa New Zealand promotional company na Duco Events para magdepensa ang Pilipino sa bago nitong alaga na si WBO No. 2 contender Jeff Horn sa Brisbane, Australia.

Ngunit, naibasura ito nang bigyan ng karapatan ni Pacquiao ang tagapayo na si Michael Koncz na siyang makipag-usap sa isang grupo sa UAE para sa pagsagupa sa lahing Pakistani na si Khan na inaasahang mas panonoorin kaysa depensa sa gustong pasikatin ni Arum na si Horn.

“My team and I are in negotiations with Amir Khan for our next fight. Further announcement coming soon,” sabi ni Pacquiao sa social media.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Aminado si Arum na nasira ang negosasyon para sa depensa ni Pacquiao kay Horn dahil natukso ang Pilipino sa alok na malaking premyo ng isang grupo sa UAE.

Nanghihinayang si Arum sa Australian deal na tatanggap si Pacquiao ng garantisadong $5 milyong premyo hindi katulad sa planong laban sa UAE na walang katiyakan at mahirap paniwalaan ang alok na $38 milyon.

“The Australian deal was a lot of money, but it paled in comparison to the ... money they’re supposedly offering -- $38 million,” sabi ni Arum kay Dan Rafael ng ESPN sa alok ng promoter sa UAE. “I’m a practical man. The money in Australia wasn’t anywhere near $38 million. What do I know? We live in an alternative reality world. I don’t know what the story is. If the $38 million is real, it trumps the Australia deal. If it’s real, we will assist putting on the event, but I am not holding my breath, and I’m not making plane reservations.”

“We’ll see what we see. If the $38 million comes up, the fight will take place, and we’ll all be happy. And if it doesn’t, there will be one guy who won’t be surprised,” dagdag ni Arum. (Gibert Espena)