CABANATUAN CITY - Dahil sa tuluy-tuloy na pagpapatrulya ng pulisya, naging epektibo ang maigting na police visibility na ipinatutupad ng Nueva Ecija Provincial Public Safety Company (PPSC) dahil naiiwasan na krimen.

Nakumpirmang walang tigil ang mga platoon group ng PPSC sa monitoring at police checkpoint sa mga estratehikong lugar sa probinsya, kaya naman napipigilan ang mga organisadong kriminal sa pambibiktima.

Target din ng Nueva Ecija PPSC ang mga most wanted criminal sa lalawigan, partikular ang mga naisyuhan na ng warrant, ayon kay Nueva Ecija Police Provincial Office director Senior Supt. Antonio C. Yarra. (Light A. Nolasco)

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar