Meryl-Streep copy

HOLLYWOOD (ET) – Klinaro ni Meryl Streep ang mga isyu kaugnay sa isususot niyang gown sa Oscars sa Linggo ng gabi.

Sinabi ng kinatawan ni Meryl noong nakaraang Linggo na hindi totoo ang istoryang tumanggi siyang isuot ang isang custom Chanel gown dahil nakakita siya ng isa pang designer na babayaran siya para isuot ang gawa nito.

“This is a completely untrue story,” sabi ng kinatawan ni Meryl sa ET. “Ms. Streep would NEVER wear anything in exchange for payment.”

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Sa ulat ng WWD, sinabi ng Chanel creative director Karl Lagerfeld na nais ni Meryl na isuot ang embroidered gray silk gown mula sa huli niyang couture collection sa Oscars night, ngunit sa kalagitnaan ng paggawa nito upang kumasya ang damit sa aktres, isang miyembro ng grupo ni Meryl ang nagsabi sa kanila na, “Don’t continue the dress. We found somebody who will pay us.”

Nasa patakaran ng brand ang hindi pagbabayad sa celebrities para isuot ang kanilang mga damit.

“After we gift her a dress that’s 100,000 euros, we found later we had to pay (for her to wear it). We give them dresses, we make the dresses, but we don’t pay,” ani Lagerfeld. “A genius actress, but cheapness also, no?”

Nonimado si Meryl, 67, sa Best Actress Oscar sa Linggo, para sa kanyang pagganap sa Florence Foster Jenkins. Ito ang ikadalawampung nominasyon sa Academy Award ng legendary actress, na siya ngayong most nominated performer sa kasaysayan ng Oscars.

At sikat si Meryl sa Hollywood. Pinatahimik ng three-time Oscar winner ang gabi sa Screen Actors Guild Awards noong nakaraang buwan, nang ang lahat sa silid – kabilang na sina Ryan Gosling at Viola Davis -- ay natutuwang nakinig sa talumpati niya.