Kasunod ng “liham” ni Archbishop Socrates Villegas sa namayapang si Jaime Cardinal Sin para sa anibersaryo ng 1986 EDSA People Power, dumepensa si Presidential daughter Sara Duterte Carpio sa kanyang amang si Pangulong Rodrigo Duterte nitong Huwebes.

Sa isang pahayag na inilabas ng City Information Office, pinuna ni Mayor Duterte si Villegas sa paggamit sa alaala ng EDSA revolution at sa mga nagsusulong dito bilang batayan ng disenteng politika.

Sa kanyang pahayag, sinabi ni Sara Duterte na hindi maituturing na bias ang kanyang komentaryo sa liham ni Villegas sa namayapang Cardinal dahil hindi naman siya tagahanga ng Pangulo, “But you are truly, madly, deeply worse than a hundred President Dutertes.”

Ikinalungkot ni Mayor Duterte na ang pagdiriwang sa rebolusyon ay naging kasangkapang politikal ng ilang grupo sa halip na alalahanin ito bilang isang bahagi ng kasaysayan.

National

Amihan, easterlies, nakaaapekto sa bansa – PAGASA

“I find it hard to understand why this bloodless revolution has become the standard definition of freedom for our country and this standard is forced down our throats by a certain group of individuals who think they are better than everyone else. These are the elite and their friends, including Archbishop Villegas,” sabi ni Mayor Duterte.

Idinagdag niya na ang mga krimen na gumagambala sa lipunang Pilipino sa kasalukuyan gaya ng katiwalian, labanan ng mga gang at druglord, extrajudicial killings, narcopolitics, terorismo, rebelyon, at pang-aabuso sa kapangyarihan sa gobyerno, bangayan sa politika at pagpasok ng mga mafia “surely did not start when President Duterte took office.”

Sa liham ni Villegas, pangulo ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CPCP), sa namayapang Cardinal, tinawag nito ang mga araw na “nightmare” sa ngalan ng pagbabago. Binanggit din niya ang libu-libong namatay na inuugnay sa Pangulo at ang pagpahintulot ni Duterte na mailibing ang diktador na si Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani. (Yas D. Ocampo)