LIPA CITY, Batangas – Patay ang isang 62-anyos na lalaki makaraan siyang mahagip ng kotse na bumangga sa isang bakal na poste sa Lipa City, Batangas, maghahatinggabi nitong Huwebes.

Dead on arrival sa Lipa City District Hospital si Gregorio Lunar, taga-Barangay Libjo, Batangas City, habang nasa kustodiya na ng pulisya ang driver na si Ranz Acuña, 24 anyos.

Ayon sa report ng Batangas Police Provincial Office (BPPO), dakong 11:45 ng gabi nitong Huwebes nang mawalan ng kontrol si Acuña sa manibela ng Hyundai Accent hanggang sa sumalpok ito sa poste sa Bgy. Sico, pero nahagip muna ang noon ay naglalakad na matanda. (Lyka Manalo)

Probinsya

Lasing, ginulpi ng lalaking kinumpronta; patay!