DUBAI, United Arab Emirates (AP) — Umusad sa semi-finals sa unang pagkakataon si top-seeded Angelique Kerber, habang naitala ni Caroline Wozniacki ang record na ikaanim na Final Four sa Dubai Tennis Championships nitong Huwebes (Biyernes sa Manila).

Ginapi ni Kerber, napipintong makabalik sa No. 1 ranking, si Ana Konjuh ng Croatia 6-3, 6-2, sa quarterfinal. Umusad si Kerber sa 4-0 bentahe bago kinuha ang huling mga laro sa second set.

Makakaharap niya si seventh-seeded Elina Svitolina ng Ukrain, nagwagi kontra Lauren Davis, 6-0, 6-4. Tangan ni Kerber ang 5-4 bentahe sa career heads-up kay Svitolina, ngunit tangan nito ang panalo sa huling dalawang pagkakataon na nagkaharap sila kabilang ang Brisbane sa nakalipas na buwan.

“She won like the important moments in Brisbane. So I will just trying to take the positive things from the match. I will talk to my coach, and go out there tomorrow and take the new challenge,” pahayag ni Kerber.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!