SADYANG nakamamangha ang katawan ni Kendall Jenner lalo na ang kanyang abs, ngunit hindi ito dahil sa magandang genes. Kailangan itong trabahuhin ng supermodel, na ibinunyag niya sa bagong post ng kanyang app.
“My abs are my favorite thing to work out,” aniya. Madalas mag-post si Kendall ng mga ab inspiration sa Instagram.
“I love it when my trainer, Gunnar Peterson, kills my abs. The next day, it hurts to even laugh. That’s how I know I’m doing the exercises right!” sabi ni Kendall. Si Peterson din ang trainer ng nakatatandang kapatid ni Jenner na si Khloe Kardashian.
Bagamat hindi naman kailangang magkaroon ng celeb trainer ng lahat para matamo ang resulta na nakikita kay Kendall, ibinahagi rin ng reality star na gumagamit din siya ng apps tulad ng Instant Abs Trainer, na mayroong iba’t ibang workout na maaaring gawin kahit anong oras at kahit saang lugar.
Ang isa pang payo ng supermodel: “Sometimes when I’m watching TV, I think to myself, ‘I should be doing crunches and situps right now.’ Then I get off the couch and do it,” sulat ni Jenner. (ET Online)