JESSY AT LUIS copy

KUNG mayroong mga tagahanga si Luis Manzano na botong-boto kay Jessy Mendiola, kasama na rito ang Vilmanians, ay meron ding hindi pabor sa relasyon ng dalawa.

Ayon sa nagsesentimiyentong tagahanga na very obvious na maka-Angel Locsin, malayung-malayo raw si Jessy sa ugali sa dating kasintahan ng premyadong TV host.

Pakiramdam ng kausap namin, iniinsulto at inaalaska ni Jessy ang maikling buhok ni Angel at iyon daw ang dahilan kung bakit nag-post ito ng dating maikli rin niyang buhok.

OFW na may kapatid na biniktima umano ng adik, 4 na oras bumibyahe sa The Hague para kay FPRRD

“Alam niyang nasira ang buhok ni Angel, tama ba namang itinaon din niya ang pagpapalabas niya ng larawan na maiksi din ang buhok niya? Gusto niyang insultuhin lang si Angel,” sey ng aming kaibigan na alam naming malapit din kay Luis.

Ang dami naman daw ng pagkakataon noon na puwedeng isapubliko ni Jessy ang maikli niyang buhok, pero ngayon lang ito nakieksena, habang pinag-uusapan ng lahat ang pagkalagas ng buhok ni Angel na kagagawan ng isang salon.

“Kaya huwag na siyang magtaka kung marami kami ngayon na galit sa kanya at hindi na rin naman dapat pa niyang ikaiinis kung sunud-sunod ang pagpuputakti sa kanya ng mga nagmamahal kay Angel.

‘’’Yan ang napala ng Jessy Mendiola na ‘yan,” banggit pa ng kausap namin.

May punto rin naman, at kahit sabihin pang throwback eklavu lang daw ang paglalabas ni Jessy sa dating pictorial niyang ‘yun, hindi ito tinanggap ng masusugid na tagasuporta ni Angel Locsin.

“Pang-iinis ang ginawa niya. Wala kasi siyang pinagkakaabalahan ngayon kung kaya lahat na lang ng mga nagaganap sa buhay ni Angel, eh, ‘yun ang inaatupag niya,” sey pa ng naghihimutok na kaibigan namin. (JIMI ESCALA)