LOS ANGELES (AP) — Kinondena ng anim na director na nominado para sa best foreign language film sa Oscars ang anila’y “climate of fascism’ sa United States at iba pang bansa, sa joint statement na inilabas nitong Biyernes, dalawang araw bago ganapin ang Academy Awards.
Ang pahayag ay nilagdaan nina Asghar Farhadi ng Iran, Martin Zandvliet ng Denmark, Hannes Holm ng Sweden, Maren Ade ng Germany at dalawa pang director mula sa Australia – sina Martin Butler at Bentley Dean ng Tanna. Sinisi ng mga director ang “leading politicians” sa pagpapalaganap ng takot “(through) dividing us into genders, colors, religions and sexualities.”
Sinabi ni Farhadi, dating Oscar winner, na iboboykot niya ang seremonya bukas, kasunod ng travel ban ni President Donald Trump sa pitong bansang Muslim, kabilang na ang Iran.
Sinabi ng filmmakers na sinuman ang mananalo ng parangal ay iaalay ito sa mga taong nagtatrabaho “to foster unity and understanding.”