Isa umanong kilalang drug personality ang ibinulagta ng mga hindi pa nakikilalang suspek sa Barangay Sta. Rosa, Pasig City kamakalawa.

Dead on arrival sa Rizal Medical Center (RMC) si Edgar Santos, alyas “Coronel”, 32, ng No. 658 Jabson Street, Bgy. Sumilang, Pasig City, dahil sa mga tama ng bala sa katawan.

Sa natanggap na report ni Eastern Police District (EPD) Director Police chief Supt. Romulo Sapitula, dakong 11:00 ng umaga nangyari ang insidente sa Lopez Jaena St., sa Bgy. Sta. Rosa.

Ayon kay PO3 Rodelio Olalia, nakikipag-usap ang biktima sa kanyang kaibigan nang bigla na lang itong hintuan ng mga suspek na magkaangkas sa motorsiklo at makailang beses pinaputukan bago tuluyang tumakas.

National

Ilang retiradong AFP at PNP officials, sumulat kay PBBM; inalmahan 2025 nat'l budget?

Inaalam pa ng mga pulis ang pagkakakilanlan ng mga suspek. (Mary Ann Santiago)