BORACAY ISLAND - Isang 35-anyos na Scottish na flight stewardess ang ginahasa umano ng isang hotel staff sa isla ng Boracay sa Malay, Aklan.

Ayon kay Senior Insp. Jess Baylon, hepe ng Boracay Tourists Assistance Center, kaagad na naaresto ang suspek na si Lito Cerencio, 26, tubong Ibajay, Aklan.

Base sa reklamo ng biktima, sinamahan siya ni Cerencio na uminom sa bar hanggang sa malasing siya, at tinulungan siya ng suspek na makabalik sa kanyang hotel room, pero ginahasa umano siya nito. (Jun N. Aguirre)

Probinsya

5 buwang sanggol, natabunan sa landslide sa Davao City