Apat na hinihinalang miyembro ng gun-running syndicate ang inaresto ng mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) Special Operation Unit sa Taytay, Rizal kamakalawa.

Sa report ni Supt. Rogarth Campo, kinilala ang isa sa apat na inaresto na si Ricky Cruz, alyas “Pablo”, 45, ng 40 Calyon 1, Barangay San Juan, Taytay Rizal.

Inaresto si Pablo sa ikinasang entrapment operation ng mga tauhan ng QCPD’s special operations unit (DSOU), sa pamumuno ni PCI Ferdinand M. Mendoza, sa sarili niyang bahay.

Kasunod nito, inaresto rin sa nasabing lugar sina Ejercito Magno, alyas “Jeff”, 34; Jerome Sarabillo, 45; Joseph Cruz, 52, pawang miyembro umano ng kilabot na gun-running syndicate sa Quezon City.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Nakumpiska sa nasabing operasyon ang sari-saring baril, mga bala at mga sachet ng shabu, at mga drug paraphernalia.

Kasong paglabag sa RA 10591 (The Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act) at RA 9165 (The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) ang isinampa laban sa apat na suspek. (Jun Fabon)