LINGAYEN, Pangasinan - Pinaglalamayan ngayon ang tatlong magkakamag-anak na nasawi sa aksidente, habang siyam na iba pa ang nasugatan makaraang bumangga ang sinasakyan nilang Mitsubishi Adventure sa isang puno sa Barangay Cauringan sa Sison, Pangasinan.

Sa naantalang report ng Pangasinan Police Provincial Office kahapon, kinilala ang mga nasawi na sina Efren Punsalan, driver; Gloria Punsalan; at Maring Cacalda, pawang taga-Bgy. Poponto, Bautista.

Nasugatan naman sina Beverly Punsalan, Lucille Gonzales, Eduardo Baldovicio, Dolores Cacabilos, Pilipino Ubpon, Bryan Gonsales, Grace Punzalan, Javes Punzalan, at John Alfred Baldivacio, pawang taga-Bgy. Poponto, Bautista.

Ayon sa imbestigasyon, bumangga sa punong narra ang Mitsubishi Adventure (WCL-813) bandang 11:30 ng umaga nitong Linggo makaraang makatulog si Efren habang nagmamaneho. (Liezle Basa Iñigo)

Probinsya

5 buwang sanggol, natabunan sa landslide sa Davao City