Ipinasa ng House Committee on Social Services, sa pamumuno ni Rep. Sandra Eriguel (2nd District, La Union), ang substitute bill sa regulasyon ng public solicitations upang hindi magamit ng mga mapagsamantala.

Ang mga pinalitang batas ay ang House Bill 2476 o “Solicitation Permit Law”, nina Reps. Ma. Lourdes Aggabao (4th District, Isabela) at Cristina Roa-Puno (1st District, Antipolo City); at HB 179 o ’’Public Solicitation Act” ni Rep. Josephine Ramirez-Sato (Lone District, Occidental Mindoro).

Sa mosyon ni Rep. Melecio Yap Jr. (1st District, Negros Occidental), pinagtibay ng komite ang ipinalit na panukala.

(Bert de Guzman)

Pelikula

Hello, Love, Again, kumita ng ₱85M sa unang araw!