Nahaharap sa kasong paglabag sa anti-graft law sa Sandiganbayan si dating Samar governor at ngayo’y 2nd District Rep. Milagrosa Tan at anim na iba pa dahil sa umano’y maanomalyang pagbili ng P69 milyong gamot noong 2007.

Kinasuhan din ng paglabag sa Republic Act 3019 (Anti-Graft and Corrupt Practices Act) at Malversation of Public Funds sina Bienvenido Sabanecio, Jr. (Provincial Treasurer), Francasio Detosil (Provincial Accountant), Rolando Montejo (Administrative Officer), Ariel Yboa (OIC-General Service Office), George Abrina (Supply Officer); at Roselyn Larce, kinatawan ng supplier na Zybermed Medi Pharma, sa Pasig City.

Natuklasan ng Field Investigation Office (FIO) ng Ombudsman na sobra-sobra ang pagbili ng gamot ng lalawigan ng Samar sa Zybermed, gamit ang kanilang health fund. (Rommel P.Tabbad)

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'