“Two years and nine months na akong nakakulong na walang kasalanan. Paano, pagdating ng oras na lumabas na wala akong kasalanan? Unfair naman sakin ‘di ba?”

Ito ang himutok ni dating Senator Ramon “Bong” Revilla, Jr. na dismayado sa muling pagpapaliban kahapon ng Sandiganbayan First Division sa pagdinig sa kasong graft laban sa kanya matapos siyang maghain ng mosyon na bawasan ang mga ebidensya ng prosecution panel.

Itinakda ng korte ang pagdinig sa Marso 30.

Nakakulong ngayon si Revilla sa PNP Custodial Center sa Camp Crame, Quezon City dahil sa umano’y pagtanggap ng P224.5 milyon kickback sa kanyang pork barrel fund na inilaan niya sa mga pekeng non-government organization ni Janet Lim-Napoles. (Rommel P. Tabbad)

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'