Inaresto ang isang ginang makaraang mabaril at mapatay ang asawa niyang pulis sa Dumaguete City, Negros Oriental kahapon ng madaling araw.
Inihahanda na ng Dumaguete City Police Office (DCPO) ang kasong parricide laban kay Kenya Jardenico, na sumuko sa pulisya makaraang mabaril at mapatay ang asawang si PO3 Jay Samson Jardenico, nakatalaga sa medical section ng Negros Oriental Police Provincial Office (NOPPO).
Ayon sa report ni Supt. Jovito Atanacio, hepe ng DCPO, dakong 2:00 ng umaga nang magkasunod na umuwi ng bahay ang mag-asawa makaraang mag-away sa dinaluhang party.
Unang umuwi ang ginang at nang dumating ang pulis ay nagsisigaw ito at pinagtatadyakan ang gate, kaya naman sa takot ng suspek ay binitbit niya ang .45 caliber pistol na nasa kanilang sasakyan at binaril ang asawa. (Fer Taboy)