OKLAHOMA CITY -- Nagdagdag ng lakas sa frontcourt ang Oklahoma City Thunder sa pagkakuha kay Taj Gibson mula sa Chicago Bulls.

Sa inisyal na pahayag ng The Vertical, kasamang ipinamigay ng Bulls sina Doug McDermott at 2018 second-round pick sa Thunder kapalit nina Cameron Payne, Joffrey Lauvergne at Anthony Morrow.

Isang ganap na free agent ang 31-anyos na si Gibson sa susunod na season. Tangan niya ang averaged 9.4 puntos at 6.4 rebound.

Tangan ng Thunder ang 32-25 karta at kasalukuyang No.7 sa Western Conference at matindi ang pangangailangan para matulungan sa opensa si All-Star guard Russell Westbrook.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Naitala ni Doug McDermott, dating star player sa Creighton at No.11 sa 2014 draft, ang averaged 10.2 puntos, habang ang No.14 pick ng 2015 rookie na si Payne ay may averaged 5.3 puntos.