SEOUL (AFP) – Tinapos ng North Korea state media ang 10-araw na pananahimik nito sa pagkamatay ng half brother ni Kim Jong-Un, at binira ang Malaysia sa ‘’immoral’’ na paghawak sa kaso at pamumulitika sa bangkay.

Sa unang komento nito kaugnay sa pagpaslang sa paliparan kay Kim Jong-Nam, sinabi ng KCNA na ang Malaysia ang responsable sa kamatayan nito, at inakusahan ang bansa ng pakikipagsabwatan sa South Korea.

‘’Malaysia is obliged to hand his body to the DPRK (North Korea) side as it made an autopsy and forensic examination of it in an illegal and immoral manner’’, sabi ng Korean Jurists Committee ng North, sa mga komentong inilabas ng state-run news agency.

Iginiit nito ang joint investigation at sinabing magpapadala ng delegasyon mula sa Pyongyang.

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'

‘’The biggest responsibility for his death rests with the government of Malaysia as the citizen of the DPRK died in its land,’’ pahayag ng KCNA.