Sa rehas ang bagsak ng isang lalaki matapos makuhanan ng hinihinalang shabu sa anti-criminality campaign ng mga tauhan ng Taguig City Police, nitong Miyerkules ng gabi.

Kasalukuyang nakakulong sa Taguig City Police si Melvin Cilaje, Jr. y Valenzuela, 47, ng 24F Dita Street, Western Bicutan ng nasabing lungsod.

Sa ulat na natanggap ng Southern Police District-Public Information Office (SPD-PIO), dakong 8:20 ng gabi ikinasa ng awtoridad ang anti-criminality campaign sa PNR Site, Western Bicutan.

Namataan si Cilaje na kahina-hinala ang kilos kaya agad nilapitan at sinita ng mga pulis. At nang kapkapan ay nakuhanan ng isang maliit na transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu.

National

62% ng mga Pinoy, naniniwalang mahalagang harapin ni FPRRD kaso sa ICC

Hindi na nagawang makapalag ng suspek nang posasan siya ng awtoridad at agad idiniretso sa pulisya.

Kasong paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) ang isinampa laban kay Cilaje sa Taguig Prosecutor’s Office. (Bella Gamotea)