WASHINGTON (AP) – Sa Orange County, California, ilan dosenang magulang na immigrant ang lumagda sa mga legal na dokumento na nagbibigay ng awtorisasyon sa kanilang mga kaibigan at kamag-anak na sunduin ang kanilang mga anak sa eskuwelahan at buksan ang kanilang bank account upang bayaran ang kanilang bills sakaling arestuhin silang mga immigration agent.

Sa Philadelphia, bitbit ng immigrants ang placard na may naksulat “Know Your Rights” sa Spanish at English na nagpapaliwanag ng mga dapat gawin sakaling sila ay damputin.

At sa New York, nakaalerto ang 23-anyos na si Zuleima Dominguez at iba pang miyembro ng kanyang pamilyang Mexican sa tuwing may kumakatok sa pintuan at balisang tinatawagan ang miyembrong hindi nakauwi sa tamang oras.

Sa buong bansa, ang mga pagsisikap ni President Donald Trump na tugisin ang tinatayang 11 milyong immigrants na ilegal na naninirahan sa United States ay naghahasik ng takot at pagkabalisa at nagtulak sa maraming tao na maghanda sa posibleng pagkakaaresto at baguhin ang kanilang pang-araw-araw na gawain sa pag-asang hindi sila mahuhuli.

National

PBBM sa Undas: ‘Let this day of memorial rekindle us to be better Filipinos’

Sa El Paso, Texas, si Carmen Ramos at ang kanyang mga kaibigan ay bumuo ng grupo upang balitaan ang isa’t isa kung nasaan ang mga immigration checkpoint.

Tinitiyak din niyang maayos ang lahat. Hindi siya nagmamaneho nang mabilis at palaging nakamasid sa paligid.

“We are surprised that even a ticket can get us back to Mexico,” sabi ng 41-anyos na si Ramos, na kasama ng kanyang asawa at tatlong anak ay umalis sa Ciudad Juarez dahil sa karahasang dulot ng droga at mga death threat noong 2008.

Pumasok sila sa U.S. gamit ang tourist visa na pumaso na. “We wouldn't have anywhere to return.”

Inihayag ng pamahalaan noong Martes na ang sinumang immigrant na ilegal na nasa bansa na kinasuhan o nasakdal sa anumang pagkakasala, o kahit na pinaghihinalaang nakagawa ng krimen, ay ilalagay na ngayon sa enforcement priority.

Maaaring damputin ang isang ama o ina na walang papeles. At maraming magulang ang nangangamba na mahihiwalay sila sa kanilang mga anak na sa Amerika na isinilang.

Ilan dosenang immigrants ang dumulog sa mga opisina ng isang advocacy group sa Philadelphia, at nagtatanong ng, “Who will take care of my children if I am deported?'' Tinuruan sila kung paano makabuo ng “deportation plan” sakaling sila ay arestuhin.